Friday, August 1, 2014

Lessons

Naaalala ko pa nung bata  pa ako, puro lang ako laro. Nag-aaral ako, pero hindi ko kailangan isipin na may Assignments ako or project, kahit na may Surprise Quiz pa or exam pa kinabukasan. Kukunin ko lang yung Text or Pogs ko, tapos tatawagin ko na mga kalaro ko. Enjoy na sa ganon.

Lumipas yung araw, buwan at taon. Teenage life, namulat ang utak ko. Hindi lang pala dapat ituring na laro ang lahat ng bagay. May mga bagay kasi na kapag ginawa mong biro, pangit ang kakalabasan. 

May mga bagay dapat pagtuunan mo ng pansin, at ingatan. Kasi kapag yun nawala, mahirap ng ibalik pa.

Sa teenage life din unang nararanasan ang Puppy Love and Crush. Meron pa nga, akala mo True Love na, yun pala napag-pustahan ka lang. :p Ang sakit di ba? Akala mo siya na, pero iiwan ka lang. May mga kabataan din na sa ganitong edad naibibigay ang hindi dapat ibigay. :) Sad di ba? Kasi nga, AKALA NATIN yun na. 

Kapag napunta sa ganitong stage, dito pumapasok ang Decision Making, Think Twice ika nga nila. Minsan nga Thrice pa eh, ang hanggang sa maisip mo kung ano ang tama sa mali. Isipin dapat ang cause and effect.

Lessons, hindi lang naman sa school natin natututunan yan eh. Sa bahay, may mga lesson's din. Sa labas, at sa trabaho. Lahat ng bagay may lesson. Kailangan lang mag-isip at pag-aralan mabuti. 

Wag laging laro, may lugar para sa laro, at may lugar din para mag-seryoso. Pero hindi naman porket sinabing mag-seryoso eh, seryoso ka lang talaga? Don't take life so seriously, enjoy, go with the flow. Pero wag kakalimutan mag-isip. ;)